Kung binabasa mo ito, ibig sabihin ikaw ay may nakakatandang kapatid o ikaw yon.
Anu nga ba ang kuya o ate? sila ang mga taong magiging gabay mo sa iyong buhay. Dahil mas matanda sila sa iyo, ibig sabihin lang naman noon na mas marami na silang nalalaman(Kaya wag kang magreklamo kung malakas sila magyabang sa kanilang mga nalalaman). Naiintindihan ko rin na ang ating mga nakatatandang kapatid ay may nakakatuwang gawain na pagtripan ang mas bata sa kanila. Hindi naman dahil sa masasama sila at pinadala ni Erap para sirain ang buhay mo, pero dahil naiintindihan nila na masarap pagtripan ang mas nakakabata sa kanila.
May naaalala akong isang kasabihan ng aking kuya, na pag kumain ka daw ng langgam magkakaroon ka ng isang "wish". Paniwalang paniwala ako dito noon kaya nag-isip ako ng nag isip kung masarap bang kumain ng langgam(mabuti na lamang ay hindi ko iyon nagawa, at wala akong balak na subukan itong gawin ngayon.) May isa pa akong naalala na kapag aksidente ko daw na nalunok ang buto ng atis, tutubo ito sa aking tiyan at magkakaroon ng puno sa loob ng aking katawan(Ito ang isa sa mga kasabihan ng aking mabait na kapatid na napatunayan kong hindi totoo sapagkat natutunan ko kung paano lumaki ang isang halaman noong Grade 3, at aking sinabi na hindi ito tutubo sapagkat walang "Sunlight" na aabot sa buto. O ta'mo may katuturan ang pag alam sa mga bagay na akala mo ay hindi mo magagamit sa totoong buhay, katulad na lamang sa pag alam kung ilang electrons ang meron sa Helium)
Kakatuwa na naniwala ako sa ganitong mga pantrip ng aking kapatid, siguro dahil uto-uto ako noong bata ako o talagang maniniwala ka sakanya dahil may resbak siyang mga kaibigan na nagsasabi na "totoo" daw iyon. Oo mayroong mga pagkakataon na pagdidiskitahan ka ng iyong nakatatandang kapatid pero wag kang mag-alala sapagkat pagkatapos ng ilang taon ay malalaman mo na para pala iyon sa ikabubuti mo. Halimbawa, dahil sa aking kapatid na nilunod ako noong ako ay bata pa, hindi na tuloy ako natutong lumangoy, ang ganda ng epekto hindi ba? XD
Sa kabuuan, isipin mo na lang na pag-tanda mo mayroon kang mga kakatuwang alaala noong bata ka pa dahil naging mas makulay ito dahil sa iyong mga nakatatandang kapatid :D
*Paalala:
Kapag naging mabait ang iyong kapatid, ang ibig sabihin noon ay may hihingin siya mula sa iyo na kapalit (walang libre sa mundo, kahit ang kabaitan)
-Sept 16, 2010